top of page
Photo Essays

Pagpapahalaga sa bihirang pagtatampisaw
Maligsing naglalaro si Marco Florendo, 9, habang itinutulak ng kaniyang balikat sa hangin ang kaniyang kaibigan na si Rodjhun Llaguno, 9, sa swimming pool ng Casa Nenita nitong ika-24 ng Mayo upang maagang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan at ng kaniyang ate. Aniya, minsan lang siya mabigyan ng ganitong pagkakataon kung kaya't sinusulit niya ang bawal oras upang makapagsaya kasama ang inimbitahang kaibigan.

Jeth Steven S. Recio
May 24

Sandigan ng Munting Tahanan.
Sa kabila ng pagod at init ng araw, patuloy na nagsisikap si Alfredo Santos Sr., 65, upang maitaguyod at mabuo ang pinapangarap na tahanan para sa kaniyang pamilya sa Dampol 2nd A, Pulilan, Bulacan nitong ika-21 ng Mayo. Aniya, mahalagang araw-araw ang pagtatrabaho upang unti-unting maitatag ang bahay na kanilang pinag-ipunan at magiging tahanan ng kaniyang pamilya.

Jeth Steven S. Recio
May 21

Hawak-Kamay sa Pagkatuto
Upang mahasa ang kanilang kakayahan sa roller skating, ginagabayan ni Princess Elaiza Moster, 8, ang kaniyang pinsan na si Jillian Antoinette Recio, 4, sa Tibag Covered Court nitong ika-18 ng Mayo. Aniya, “Pinayagan naman po si Jillian ng mama niya na mag-skate, kaya hinatid po kami ng pinsan namin sa court para makapagpraktis dahil hindi po lubak ang daan dito.”

Jeth Steven S. Recio
May 18
bottom of page