top of page

12 bayan at lungsod sa Bulacan, posibleng makaranas ng water interruption sa Oktubre 13–14

4 days ago
1 min read

BULACAN — Posibleng makaranas ng paghina o pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng 12 bayan at lungsod sa Bulacan sa Oktubre 13 at 14, 2026, dahil sa nakatakdang maintenance at shutdown operations ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ayon sa inilabas na abiso.

Kabilang sa mga lugar na posibleng maapektuhan ang:

  • Balagtas

  • Bulakan

  • Bocaue

  • Calumpit

  • Marilao

  • Obando

  • Paombong

  • Plaridel

  • Santa Maria

  • Lungsod ng Malolos

  • Lungsod ng Meycauayan

  • Lungsod ng San Jose del Monte

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na mag-imbak ng sapat na malinis na tubig para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang isinasagawa ang maintenance.

Hinihikayat din ang publiko na gamitin nang matipid ang tubig at subaybayan ang mga opisyal na abiso ng kanilang water service provider para sa eksaktong oras, tagal, at mga barangay na maaapektuhan ng water interruption.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page