top of page

2 arestado matapos umanong umiwas sa checkpoint sa Santa Maria

Oct 7
1 min read

SANTA MARIA, Bulacan — Dalawang lalaking sinasabing sangkot bilang courier ng ilegal na droga ang naaresto matapos umanong umiwas sa police checkpoint sa Barangay San Gabriel, Santa Maria, Bulacan noong Lunes ng gabi, Oktubre 5.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek sa alyas na “Mark” at “Melvin,” kapwa residente ng Barangay Caypombo, Santa Maria.

Batay sa paunang imbestigasyon, sakay umano ang dalawa ng isang itim na Honda Click at kapwa walang suot na helmet nang parahin sa checkpoint. Sa halip na huminto, mabilis umano nilang pinaandar ang motorsiklo at nagtangkang tumakas.

Habang tumatakas, itinapon umano ng driver ang isang coin purse na naglalaman ng tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱68,000.

Hinabol ng mga pulis ang motorsiklo hanggang sa maaresto ang dalawang suspek. Nabawi rin ang hinihinalang ilegal na droga at isinailalim sa kustodiya ng lokal na pulisya para sa imbestigasyon at kaukulang disposisyon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page