top of page

224 ALS learners sa Pulilan nakatanggap ng educational assistance

Oct 6
1 min read

Municipality of Pulilan PAIO
Municipality of Pulilan PAIO

PULILAN, Bulacan — Umabot sa 224 Alternative Learning System (ALS) learners sa Pulilan ang nakatanggap ng educational assistance sa ilalim ng “Abot-Kamay na Liwanag at Pagsibol Program” na pormal na inilunsad noong Setyembre 14, 2026.

Isinagawa ang launching at payout sa Pulilan Municipal Gymnasium sa Poblacion at sa BJMP Pulilan katuwang ang Municipal Treasurer’s Office.

Sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 182 ang ALS learners mula sa Elementary, Junior High School at Senior High School levels, habang 42 naman ang ALS learners mula sa BJMP sa Peñabatan.

Layunin ng programa na magbigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong ALS learners upang makatulong sa kanilang pagpapatuloy at pagkumpleto ng edukasyon. Kasabay nito, isinusulong din ng programa ang volunteerism, leadership, civic responsibility at pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad.

Kabilang sa mga responsibilidad ng mga benepisyaryo ang pagpapanatili ng aktibong enrollment, regular na pagdalo sa ALS sessions, pagsunod sa mga alituntunin ng programa at pakikilahok sa mga aktibidad ng pamahalaang bayan at komunidad.

Sinusuportahan ang programa ng pamahalaang bayan sa pangunguna nina Mayor Rolando S. Peralta Jr., Vice Mayor Atty. Imee R. Cruz, at mga miyembro ng 12th Sangguniang Bayan ng Pulilan, bilang bahagi ng mga inisyatibang naglalayong palawakin ang access sa edukasyon para sa mga Pulilenyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page