top of page

300k toneladang basura, tumambad sa Baclaran


Agosto 10, 2026 - Tumambad ang tone-toneladang basura na umabot sa mahigit 300,000 tonelada o katumbas ng mahigit pa sa 600,000 kilo ng basura dulot ng pag-apaw ng creek sa Baclaran, Parañaque City.

Ayon sa mga lokal na ahensya, ang estero na malapit sa Baclaran Church sa Parañaque City, ay umapaw dulot ng isang damakmak na basura. Kabilang na rito ang mga plastic, plastic bottles, cups, sachet, at iba pa. Nagbara ang estero na ito dahil sa patuloy na pagbugso ng malakas na ulan dulot ng habagat. Samantala, umabot sa daang-daang trak na humakot ng mga basurang nalikom sa estero. Agad naman itong inaksyunan ng MMDA, DPWH, at lokal na pamahalaan.

Nanawagan naman ang Vice President ng Oceana na si Von Hernandez na ipa-ban ang non-essential single-use plastics at ipatupad ang Ecological Solid Waste Management Act.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page