top of page

4patay; 4 sugatan sa pagsabog sa Pasay


Sumabog muna ang ilang bahay sa Pasay City bandang Biyernes, alas-una (1pm) ng hapon, bago sumiklab at tumupok sa mahigit 200 bahay. Apat ang patay at apat ang sugatan. Naiwang kalan ang posibleng sanhi ng sunog

Nasunog ang ilang bahay sa Barangay 107 sa Pasay City; apat ang patay at apat ang sugatan—dalawa ang nalapnos sa apat na nasugatan. Kinumpirma ng BFP at City Social Worker. Kumalas ang pader at gate sa lakas ng pagsabog. Nagsitakbuhan ang mga residente sa kalye dahil sa lakas ng pagsabog. Umabot sa pangalawang (2) alarma ang sunog at naapula ng tatlumpung (30) firetruck bandang alas kuwatro (4) ng hapon. Posibleng naiwang kalan ang naging sanhi ng sunog, iniimbistigahan pa ng BFP

“Parang bomba,” aniya ng residenteng nasunugan na si Rambo Estrella. “Nanginginig pa rin sa takot sa nangyari,” aniya pa ng isang residente na nasunugan na si Joy Melo.

Nasa 220+ na residente ang naapektuhan at tumutuloy muna sa Padre Zamora Elementary School.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page