top of page

4Ps livelihood association inilunsad sa Barangay Inaon

Oct 9
1 min read

PULILAN, Bulacan — Isinagawa noong Oktubre 8, 2026 ang ribbon-cutting ceremony ng Inaon 4Ps Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) sa Batasan, Barangay Inaon, Pulilan, na may temang “Sulong Kabuhayan Tungo sa Pagyabong.”

Layunin ng programa na magbigay ng oportunidad sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magkaroon ng mapagkakakitaan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Barangay Inaon, at Pamahalaang Bayan ng Pulilan.

Bahagi ang inisyatiba ng mga pagsisikap na suportahan ang mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps sa pagbuo ng mas matatag at pangmatagalang pinagkukunan ng kita.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page