top of page

50 slots binuksan para sa welding training sa Pulilan

Oct 7
1 min read

PULILAN, Bulacan — Binuksan na ang aplikasyon para sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC I Training para sa mga interesadong Pulilenyo, katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Mayroong 50 slots na inilaan para sa training na isasagawa sa Center for Competence and Skills Development Inc. sa Olympia Subdivision, Poblacion, Pulilan.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga kalahok ng karagdagang technical skills na maaari nilang magamit sa paghahanap ng trabaho at iba pang oportunidad sa kabuhayan.

Maaaring magpalista ang mga interesadong Pulilenyo sa Vice Mayor’s Office at hanapin si VMO Staff Cha para sa aplikasyon at iba pang detalye ng training.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page