top of page

Bagyong Maymay, humina, isa na lang LPA


Kasalukuyang nalusaw na ang Bagyong Maymay at naging isang ganap na low-pressure area o LPA na lamang ito sa hilangan ng Isabela sa Luzon. Ngunit habagat naman ang nagdadala ng malalakas na ulan sa iilang bahagi ng Pilipinas. Kabilang na ang malaking parte ng Luzon at Western Visayas.

Inaasahang aabot hanggang sa isang linggo ang malalakas na pag-ulan na dulot ng habagat, ngunit wala namang nakikitang nagbabadyang sama ng panahon na puwedeng makaapekto sa ating bansa. Sa Sabado, inaasahang may kalat-kalat na ulan sa Ilocos Region, Cordillera, at Calabarzon; pagdating naman sa hapon ay asahang magkakaroon din ng buhos ng ulan sa Central Luzon.

Linggo naman ng umaga, maaaring makaranas ng malakas na pag-ulan ang Hilaga ng Luzon at sa hapon hanggang gabi ay makakaranas din ng malakas na ulan ang Central Luzon at Calabarzon.

Sa ngayon ay nakataas pa rin sa red warning ang Occidental Mindoro. Orange warning naman ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Western Bulacan, Western and South Pampanga, Central and Southern Rizal, Northeast and Western Laguna, Cavite at Western Batangas. Yellow warning naman sa Western Tarlac, Central Pampanga and Bulacan, Rest of Laguna, Rizal, and Batangas, Western Quezon, Calamian Islands, Palawan, at Caluya sa Antique.

Dulot ng malalakas na ulan, palaging maging alerto sa banta ng pagguho ng lupa, pagbaha, at iba pang sakuna.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page