top of page

BREAKING: King Lebron James sa Philly!


Ayon sa isang sports journalist at NBA insider na si Shams Charania, pumirma na si Lebron James sa Philadelphia 76ers kagabi ng alas-onse (11) oras sa Pilipinas. Ayon sa naturang post ni Shams, pumirma ng two-year $8 million deal at may kasama pang player option.

‎Lalong dumarami ang mga fans ng Philly pagkatapos nilang mapirmahan at makuha ang hari ng NBA na si Lebron sa isang two-year, $8 million deal. At tinapos na rin ni Lebron at Philly ang diskusyon kung saan nga ba lilipat ang hari. Hindi naging sapat ang panghihikayat ng ibang mga koponan upang akitin at papirmahin sa kanila si Lebron.

‎Maraming mga fans ni Lebron at Curry naman ang nalungkot dahil umaasa silang lilipat sa kanila si Lebron, subalit kung meron mang mga nalungkot, mayroon ding ilang mga fans ng Golden State Warriors (GSW) ang natuwa dahil hindi napunta sa kanila si Lebron.

‎Nakakapanabik na aabangan kung ano ang kayang gawin ni Lebron sa Philly at paano tutulungan ng bagong kuha rin na si Jaylen Brown, dahil sa bigat ng kanilang line up na may mga solidong mga bench players at ang mala delubyong starting 5 nila na pinapangunahan ni Tyrese Maxxey sa uno (point guard), VJ Edgecomb sa dos (shooting guard), Jaylen Brown sa tres (small forward), Lebron James sa kwatro (power forward), at panghuli ang kanilang angkla na si Joel Embiid sa singko (center).

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page