top of page

BulSU nakikiisa sa pagdiriwang ng Museum and Galleries Month 2026

Oct 10
1 min read

MALOLOS, Bulacan — Nakikiisa ang Bulacan State University (BulSU) sa pagdiriwang ng Museum and Galleries Month 2026 ngayong Oktubre upang bigyang-diin ang kahalagahan ng mga museo at galeriya sa pangangalaga at pagpapalaganap ng kasaysayan at kulturang Pilipino.

May temang “Bridging Divides: Preserving the Present for Tomorrow,” layunin ng pagdiriwang na kilalanin ang papel ng mga museo at pook-pamana sa pag-uugnay ng iba't ibang henerasyon, komunidad at kultura.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, hinihikayat ng BulSU ang mga mag-aaral, guro at kawani nito na bisitahin ang BulSU Center for Bulacan Studies, gayundin ang mga makasaysayang dambana at lokal na museo sa lalawigan.

Sa pamamagitan nito, hangad ng unibersidad na higit na mapalawak ang kaalaman at pagpapahalaga ng mga Bulakenyo sa mayamang kasaysayan, kultura at pamanang iniwan ng mga naunang henerasyon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page