top of page

Cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarians Act, ipinamahagi sa mga senior citizen sa Pulilan

4 days ago
1 min read

PULILAN, Bulacan — Isinagawa noong Oktubre 14, 2026, ang pamamahagi ng cash gift sa mga kwalipikadong senior citizen sa ilalim ng Expanded Centenarians Act para sa ikaapat na quarter ng taon.

Ginanap ang aktibidad sa tanggapan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ng Pulilan, sa pangunguna ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) – Regional Office, katuwang ang OSCA Pulilan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act, nakalaan ang ₱10,000 cash gift para sa mga Pilipinong umaabot sa edad na 80, 85, 90 at 95, habang ₱100,000 naman ang ibinibigay sa mga umaabot sa edad na 100, alinsunod sa mga itinakdang kwalipikasyon ng batas.

Layunin ng programa na magbigay ng karagdagang suportang pinansyal at pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga nakatatanda sa kanilang pamilya at lipunan.

Bahagi rin ang pamamahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod sa kapakanan, karapatan, at dignidad ng mga senior citizen sa bayan ng Pulilan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page