top of page

Cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarians Act, ipinamahagi sa Pulilan

3 days ago
1 min read

PULILAN, Bulacan — Isinagawa ang pamamahagi ng cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarians Act para sa ikaapat na quarter ng 2026 ngayong Oktubre 14 sa tanggapan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa Pulilan.

Pinangunahan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) – Regional Office ang aktibidad, katuwang ang OSCA Pulilan, bilang bahagi ng pagpapatupad ng programang nagbibigay ng pinansyal na benepisyo sa mga kwalipikadong nakatatanda.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act, may karapatang tumanggap ng ₱10,000 cash gift ang mga Pilipinong umaabot sa edad na 80, 85, 90 at 95, habang ₱100,000 naman ang nakalaan sa mga umaabot sa edad na 100.

Layunin ng programa na kilalanin ang mahalagang kontribusyon ng mga senior citizen sa kanilang pamilya at lipunan, gayundin ang pagbibigay ng karagdagang suportang pinansyal sa kanilang pagtanda.

Bahagi rin ang pamamahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga programa para sa kapakanan at pagkilala sa mga nakatatandang Pulilenyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page