top of page

DepEd inilunsad ang AI-powered Project LIGTAS+ para sa kaligtasan ng mga paaralan

6 days ago
1 min read

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Project LIGTAS+ (Learning Institution Geohazard Tracking and Assessment for Safety), isang platform na gumagamit ng artificial intelligence (AI) at hazard intelligence upang mapalakas ang kahandaan ng mga pampublikong paaralan laban sa mga sakuna.

Gumagamit ang sistema ng satellite imagery mula sa TANDANG SORA, geospatial analytics, flood intelligence, volcanic monitoring, earthquake assessments, at hanggang 10-araw na weather forecasts upang matukoy ang mga posibleng panganib sa mga paaralan.

Ayon sa DepEd, mahigit 47,000 pampublikong paaralan ang saklaw ng platform, na nagbibigay ng school risk profiles at hazard exposure data upang makatulong sa pagpaplano at paghahanda bago dumating ang kalamidad.

Sa pamamagitan ng Project LIGTAS+, maaaring matukoy ang mga paaralang nasa hazard-prone areas, masuri ang posibleng epekto ng paparating na sama ng panahon, makapaghain ng incident reports, at makabuo ng mga situational report habang may nagaganap na sakuna.

Layunin ng proyekto na gawing mas maagap at nakabatay sa siyentipikong datos ang disaster preparedness at response planning ng DepEd upang maprotektahan ang mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page