top of page

Dual-purpose Senior Citizen ID, ATM Card ipinamahagi sa Dulong Malabon

Oct 7
1 min read

PULILAN, Bulacan — Ipinamahagi ngayong araw ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan ang Dual Purpose Senior Citizen ID at ATM Card para sa Batch 1 ng mga senior citizen sa Barangay Dulong Malabon.

Pinagsama sa iisang card ang Senior Citizen ID at ATM Card, na maaaring gamitin ng mga benepisyaryo sa pagtanggap ng mga benepisyo mula sa pamahalaang bayan, kabilang ang Senior Citizen’s Cash Gift.

Isinagawa ang pamamahagi katuwang ang Veterans Bank, Municipal Treasury Office, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Senior Citizens Office, at pamunuan ng Barangay Dulong Malabon.

Layunin ng dual-purpose card na gawing mas madali at maayos para sa mga senior citizen ang pagkakakilanlan at pagtanggap ng kanilang mga benepisyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page