top of page

Earthquake drill isinagawa sa Diocesan Shrine of San Isidro Labrador sa Pulilan

7 days ago
1 min read

Photo: Pulilan MDRRMO
Photo: Pulilan MDRRMO

PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng earthquake drill ang Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador noong Oktubre 10, 2026, sa tulong ng Pulilan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Pinangunahan ng pamunuan ng simbahan ang aktibidad, habang nagsilbing facilitator ang Pulilan MDRRMO upang gabayan ang mga kawani at parokyano sa wastong pagtugon sakaling magkaroon ng lindol.

Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay ang “Duck, Cover, and Hold” at ang maayos na paglikas patungo sa itinalagang evacuation area.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at mapataas ang antas ng kahandaan ng mga kalahok upang maiwasan ang pinsala at mapanatili ang kaligtasan sa panahon ng sakuna.

Patuloy namang hinihikayat ng Pulilan MDRRMO ang mga paaralan, institusyon at komunidad na magsagawa ng mga earthquake drill at iba pang pagsasanay bilang bahagi ng pagpapalakas ng disaster preparedness sa bayan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page