top of page

Earthquake drill, isinagawa sa Dr. Magdalena S. Reyes Memorial Hospital sa Pulilan

15 hours ago
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng earthquake drill ang Dr. Magdalena S. Reyes Memorial Hospital ngayong Oktubre 16, 2026, upang mapalakas ang kahandaan ng mga kawani at iba pang kalahok sa pagtugon sa posibleng lindol.

Pinangunahan ng pamunuan ng ospital ang aktibidad, sa tulong at paggabay ng Pulilan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) bilang facilitator ng pagsasanay.

Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang wastong pagsunod sa “Duck, Cover, and Hold” at ang maayos na paglikas patungo sa itinalagang evacuation area.

Layunin ng pagsasanay na mahasa ang kakayahan ng mga kalahok sa mabilis, maayos, at ligtas na pagtugon sa oras ng sakuna.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng regular na earthquake drill sa mga pasilidad pangkalusugan, kung saan kailangang isaalang-alang ang kaligtasan ng mga pasyente, healthcare workers, at iba pang taong nasa loob ng ospital.

Patuloy namang hinihikayat ng Pulilan MDRRMO ang mga paaralan, ospital, institusyon, at komunidad na magsagawa ng mga pagsasanay upang mapataas ang antas ng kahandaan at mabawasan ang panganib sa panahon ng kalamidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page