top of page

Ikalawang batch ng rice distribution isinagawa sa Pulilan

Oct 8
1 min read

PULILAN, Bulacan — Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan ang ikalawang batch ng Local Government Support Fund–Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) Rice Distribution Program noong Oktubre 8, 2026.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), Jeepney Operators and Drivers Association (JODA), mga barangay volunteer, at Job Order (JO) employees.

Layunin ng programa na magbigay ng karagdagang tulong sa mga manggagawa at boluntaryong naglilingkod sa komunidad, partikular sa pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Ayon sa Tanggapan ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, inaasahang makatutulong ang pamamahagi ng bigas upang mabawasan ang gastusin sa pagkain ng mga benepisyaryo.

Bahagi ang ikalawang batch ng pagpapatuloy ng rice distribution program na isinagawa sa bayan noong Oktubre 7 at 8.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page