top of page

iQor nagbukas ng 810 job vacancies para sa mga Pulilenyo

4 days ago
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nag-anunsyo ang Public Employment Service Office (PESO) Pulilan ng kabuuang 810 bakanteng posisyon sa iQor para sa mga naghahanap ng trabaho sa bayan.

Kabilang sa mga available na posisyon ang:

  • Customer Service Representative – 380 vacancies

  • Collection Specialist – 280 vacancies

  • Retail / Sales Agent – 150 vacancies

Maaaring magpadala ang mga interesadong aplikante ng kanilang resume sa PDF format sa peso.dole.pulilan@gmail.com.

Kailangang ilagay sa email subject ang posisyong inaaplayan at pangalan ng kumpanya, habang ang pangalan ng PDF file ay dapat nakapangalan sa aplikante.

Maaari ring personal na magtungo sa PESO Pulilan, na matatagpuan sa Old PUP Building, National Road, Barangay Poblacion, Pulilan, Bulacan, para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga bakanteng trabaho.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page