top of page

Kabataan, Pinatibay sa Feature Writing Seminar sa Pulilan


Ika-21 nitong Pebrero 2026, isinagawa ang isang talakayan tungkol sa pagsulat ng lathalain (Feature Writing) na pinangunahan ni G. Mon Karlo Mangaran, na ginanap sa VM AIC Headquarters sa Barangay Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan. Bahagi ito ng programang ipinahayag ni Vice Mayor Atty. Imee DJ. Cruz na layuning palawakin ang kaalaman ng mga kabataan sa larangan ng multimedia.


Sa naturang pagtitipon, ibinahagi ni G. Mangaran sa mga kabataang kalahok na ang pagsulat ng lathalain ay isang uri ng sulating pamamahayag na mas malaya at mas malikhain kumpara sa balita at iba pang kategorya ng pagsulat. Layunin nito na maghatid ng impormasyon na may kasamang salaysay, damdamin, at mas malalim na pagtalakay sa isang paksa, habang nananatiling nakabatay sa katotohanan.


 Nakiisa ang mga estudyanteng kasapi ng Salin-Lente upang makinig sa mahalagang talakayan at magamit ang kanilang natutunan sa mga susunod na gawaing pagsulat.


Ayon sa mga kalahok, malaking tulong ang ganitong uri ng pagsasanay upang mas malinang pa ang kanilang kakayahan sa pagsusulat at pagsasalin ng kaalaman sa aktuwal na gawain.

Ipinakita rin ng nasabing seminar ang patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng kakayahan ng kabataan sa larangan ng komunikasyon at midya, na inaasahang magbubukas pa ng mas maraming oportunidad para sa kanilang hinaharap bilang mga mamamahayag at tagapaghatid ng impormasyon sa lipunan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page