top of page

Local at overseas job fair, gaganapin sa Malolos sa Oktubre 23

3 days ago
1 min read

MALOLOS, Bulacan — Magsasagawa ng job fair ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Oktubre 23, 2026, upang magbigay ng mga oportunidad sa lokal at overseas employment para sa mga naghahanap ng trabaho.

Gaganapin ang aktibidad sa Bulacan Capitol Gymnasium, Capitol Compound, Lungsod ng Malolos, simula 10:00 ng umaga.

Pangungunahan ito ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO), katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Migrant Workers (DMW), at Office of Senator Win Gatchalian.

Layunin ng job fair na matulungan ang mga aplikanteng Bulakenyo na makahanap ng mga oportunidad sa trabaho sa loob at labas ng bansa.

Hinihikayat ang mga interesadong aplikante na magpaunang rehistro sa pamamagitan ng online registration form: https://forms.gle/388Q6gn7z4SppuDv6

Maaaring makiisa ang mga naghahanap ng trabaho sa itinakdang petsa at lugar upang malaman ang mga available na posisyon at makapag-apply sa mga kalahok na employer.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page