top of page

Negosyanteng may dalang baril habang nakikipag-inuman, arestado sa Calumpit

5 hours ago
1 min read

CALUMPIT, Bulacan — Arestado ang isang 31-anyos na negosyanteng kinilalang alyas “Gani” matapos umanong makuhanan ng baril habang nakikipag-inuman sa Barangay Poblacion, Calumpit, Bulacan, noong hatinggabi ng Oktubre 14, 2026.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng sumbong mula sa isang residente hinggil sa grupo ng mga lalaking nag-iinuman, kung saan isa umano sa kanila ang may dalang baril.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad at napansin umano ang baril na nakasukbit sa baywang ng suspek.

Nang hingan ng kaukulang dokumento, hindi umano nakapagpakita ang lalaki ng papeles na magpapatunay sa legal na pagmamay-ari o pagdadala ng armas.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang 9mm pistol, magazine, at 15 bala.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, habang inihahanda ng pulisya ang kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page