top of page

Nilampaso ng Espanya ang nagdedepensang kampeon na Argentina; 1–0



Video Courtesy: Reuters Youtube Channel

Sinubsob sa lupa ng Espanya ang nagdedepensang kampeon na Argentina, 1-0, sa extra time, upang masungkit ang kampeonato sa 2026 FIFA World Cup na ginanap sa New York New Jersey Stadium sa Estados Unidos nitong ika-19 ng Hulyo.


Bumulusok ang tensyon sa ipinakitang laro ng Espanya sa unang kalahati ng laban kontra Argentina. Maagang nasubok ni Lamine Yamal ang goalkeeper na si Emiliano Martínez, habang nanatiling tahimik at walang malaking ambag si Lionel Messi.


Sinagupa ng Espanya ang Argentina bago matapos ang unang kalahati ng laro. Ilang beses nang nabutas ng Espanya ang depensa ng Argentina sa pamamagitan ng mabilis na one-touch passing.


Samantala, natapos ang unang kalahati nang walang nakapuntos ang magkabilang koponan. Mahusay na napigilan ng Espanya ang nagpapakitang-gilas na si Messi, kaya walang naitalang goal ang Argentina.


Sa second half, naging mainit at agresibo ang Argentina sa pamumuno ni Lionel Scaloni, na sinuportahan ng kanilang masisiglang mga tagahanga.


Inatake ng La Roja(Spain) ang depensa ng Argentina, nagkaroon ng sunod-sunod na corner kick at kinontrol ang bola. Gayunpaman, nahirapan pa rin silang makagawa ng malinaw na pagkakataong makaiskor dahil sa matatag ding depensa ng Argentina.


Bagama't namamayagpag ang Espanya sa second half ng laro, nanatiling tabla ang iskor (0-0), kaya umabot ang laban sa extra time.


Sa gitna ng laban, patuloy na lumalaban ang Argentina ngunit hirap silang makalikha ng mga pagkakataong umatake. Lalo pang naging mahirap ang kanilang sitwasyon nang mapadalhan ng red card si Enzo Fernández, na naging dahilan upang mabawasan sila ng isang manlalaro.


Habang tila mauuwi na sa penalty shootout ang sagupaan, naitala ni Fernando Torres ang panalo na goal sa ika-isang daan at anim na minuto. Nagpadala ng cross si Pedro sa likurang bahagi ng goal. Sinalo ito ni Nico, na agad na sumipa at naipasok ang bola sa itaas na bahagi ng net.


Dahil sa huling iskor ni Torres, nakamit ng Espanya ang pangalawang korona makalipas ang labing-anim na taon mula nang maipanalo ni Andrés Iniesta ang kanilang unang kampeonato noong 2010.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page