top of page

PAGASA idineklara ang pagtatapos ng Habagat season

Oct 5
1 min read

Opisyal nang idineklara ng DOST-PAGASA ang pagtatapos ng Southwest Monsoon o Habagat season sa bansa kasunod ng mga pagbabagong naobserbahan sa weather patterns.

Ayon sa PAGASA, kabilang sa mga indikasyon ng pagtatapos ng Habagat ang paghina ng hanging habagat, pagbaba ng rainfall activity, paglakas ng High Pressure System sa East Asia, at pag-usog patimog ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ang mga pagbabagong ito ay nagpapahiwatig ng paglipat ng bansa mula sa panahon ng Habagat patungo sa panibagong seasonal weather pattern.

Gayunman, nilinaw na ang pagtatapos ng Habagat ay hindi nangangahulugang tuluyan nang mawawala ang pag-ulan sa bansa.

Maaari pa ring makaranas ng thunderstorms at iba pang weather disturbances sa iba't ibang lugar.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at advisory ng DOST-PAGASA upang maging handa sa posibleng masamang panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page