top of page

Pampanga Delta muling nilampaso ang mandirigma ng Bulacan; 66-63


Sa muling paghaharap ng Bulacan Sanctuario Warriors at Pampanga Delta sa CLRAA Championship, sa Aurora Sports Complex nitong April 13. Gigil na makabawi ang Warriors sa Delta matapos silang matalo noong nakaraang taon.

‎Sa unang yugto pa lang ng laro, nagpasiklab na agad ang mga mandirigma ng Bulacan. Ang naging talaan sa unang kuwarter ay 17-13 pabor sa Bulacan.

‎Sa ikalawang kwarter, lalong sumiklab ang init ng laro; gumana ang estratehiya ng Warrior kontra Delta, kaya lalong umalagwa ang lamang ng Bulacan sa iskor na 31-21.

‎Mas tumindi ang init sa ikatlong kwarter. Humarurot ang Pampanga upang dumikit sa Bulacan. Wala namang naging sagot ang Bulacan dito. Tila kotseng naubusan ng gasolina ang mga mandirigma. Kahit ganoon pa man ang nangyari, hindi pa rin lamang ang Delta sa Bulacan, 46-50; angat pa rin ang Warriors ng 4 puntos.

‎Sa huling kuwarter, lalong tumindi ang init. Mala David at Goliath ang naging labanan; sa huli, tinuldukan ng Pampanga ang panalo kontra Bulacan, sa iskor na 66-63.

‎Nakakapanabik na aabangan kung magkakaroon pa ba ng ikatlong paghaharap ang Bulacan Sanctuario Warriors at Pampanga Delta. Makakabawi na kaya ang mga Mandirigma ng Bulacan? Abangan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page