top of page

PhilHealth ID, MDR maaari nang kunin sa Pulilan RHU I

Oct 8
1 min read

PULILAN, Bulacan — Maaari nang kunin ng mga kwalipikadong residente ng Pulilan ang kanilang PhilHealth ID at Member Data Record (MDR) sa Rural Health Unit I (RHU I) ng Municipal Health Office.

Ayon sa inilabas na abiso, kinakailangang nakarehistro na sa eGovPH App ang mga kukuha ng kanilang PhilHealth ID o MDR bago magtungo sa RHU I.

Bahagi ang aktibong rehistrasyon sa eGovPH App ng proseso sa RHU I Registered Facility upang mapabilis at maging maayos ang pagkuha ng mga dokumento.

Naglabas din ang Municipal Health Office ng listahan ng mga indibidwal na maaari nang kumuha ng kanilang PhilHealth ID at MDR.

Pinapayuhan ang mga residenteng kabilang sa listahan na tiyaking kumpleto ang kanilang kinakailangang rehistrasyon bago pumunta sa RHU I – Municipal Health Office upang maiwasan ang abala sa pag-claim.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page