top of page

Pulilan Basketball League, nilahukan ng mga kawani ng pamahalaan at kabataan

4 days ago
1 min read

PULILAN, Bulacan — Ginanap ang Pulilan Basketball League sa Pulilan Municipal Gymnasium sa pangunguna ni Dr. Benedict T. Bernardo, Senior Agriculturist ng Pulilan.

Lumahok sa paligsahan ang mga kawani mula sa lokal at nasyonal na pamahalaan, kasama ang mga piling kabataang Pulilenyo, upang ipamalas ang kanilang husay sa larong basketball.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga kalahok na magkaroon ng aktibong pamumuhay sa pamamagitan ng sports, gayundin ang pagpapatibay ng samahan ng mga kawani ng pamahalaan at kabataan.

Nagsilbi rin ang paligsahan bilang pagkakataon para sa mga kalahok na makapag-ehersisyo, makapaglibang, at mapaunlad ang kanilang sportsmanship at pagtutulungan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page