top of page

Pulilan MDRRMC nagsagawa ng emergency meeting kaugnay ng epekto ng mga bagyo at Habagat


PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng emergency meeting ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Pulilan ngayong Agosto 24 sa 2nd Floor Conference Hall ng Old Municipal Building.

Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang Situational Report hinggil sa pinagsamang epekto ng mga Bagyong Maymay, Luis, at Neneng, gayundin ng Southwest Monsoon o Habagat, sa bayan.

Sinuri sa pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng mga apektadong komunidad at ang naging epekto ng sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha upang matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa patuloy na pagtugon at pagbangon.

Bahagi rin ng pagpupulong ang pagpapatibay ng koordinasyon ng mga kinauukulang tanggapan upang matiyak ang kahandaan at mabilis na paghahatid ng tulong sa mga Pulilenyo sa panahon ng kalamidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page