top of page

Pulilan PNP, nagsagawa ng house visitation sa mga gun owner na may expired na lisensya

15 hours ago
1 min read

PULILAN, Bulacan — Pinaigting ng Pulilan Municipal Police Station ang pagsasagawa ng house visitation sa mga rehistradong gun owner na may paso nang lisensya ng kanilang mga baril bilang bahagi ng mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad sa bayan.

Layunin ng aktibidad na paalalahanan ang mga may-ari ng baril na agarang asikasuhin ang renewal ng kanilang lisensya o pansamantalang ipagkatiwala ang kanilang armas sa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang pagproseso ng renewal, alinsunod sa umiiral na batas at mga itinakdang pamamaraan.

Ayon kay PLTCOL Eric C. Cister, hepe ng Pulilan Municipal Police Station, mahalaga ang responsableng pagmamay-ari ng baril at pakikipagtulungan ng publiko upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa komunidad.

Hinihikayat din ng kapulisan ang lahat ng gun owner na tiyaking kumpleto at balido ang kanilang mga dokumento at makipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan para sa wastong proseso ng renewal.

Bahagi ang inisyatiba ng patuloy na kampanya ng Pulilan PNP upang maisulong ang pagsunod sa mga regulasyon sa pagmamay-ari ng baril at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page