top of page

Pulilan PNP nagsagawa ng school visitation sa Bajet-Castillo High School

5 days ago
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng foot patrol, school visitation at police visibility ang mga tauhan ng Pulilan Municipal Police Station (MPS) sa Bajet-Castillo High School sa Barangay Longos noong Oktubre 12, 2026, bandang alas-6:09 ng umaga.

Pinangunahan ni PLTCOL Eric C. Cister, hepe ng Pulilan MPS, ang aktibidad bilang bahagi ng mga hakbang ng kapulisan upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa mga paaralan.

Layunin ng pagbisita na palakasin ang crime prevention, mapataas ang presensya ng mga pulis sa paligid ng paaralan, at pagtibayin ang koordinasyon sa pagitan ng kapulisan at pamunuan ng Bajet-Castillo High School.

Bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng Pulilan PNP na matiyak ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral, guro at iba pang kawani ng paaralan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page