top of page

Pulilan tumanggap ng mga parangal sa 2026 Central Luzon SUBAYBAYANI Awards

6 days ago
1 min read

PULILAN, Bulacan — Tumanggap ng iba't ibang pagkilala ang Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa 2026 Central Luzon SUBAYBAYANI Awards cum Infrastructure Governance Summit na ginanap sa Widus Hotel, Clark Freeport Zone, Pampanga.

Kabilang sa mga natanggap na parangal ang pagkilala bilang isa sa Regional Exemplars for the Most Significant Change Stories of Locally Funded Projects (LFPs).

Kinilala rin ang Pulilan bilang SUBAYBAYANI Exemplar Awardee at Most Outstanding Performer sa Municipality Category para sa proyektong “Rehabilitation/Improvement Level III Water System and Elevated Tank.”

Ang nasabing proyekto ay nakatuon sa pagpapabuti ng imprastraktura at sistema ng suplay ng tubig sa bayan.

Kabilang sa mga tanggapang nanguna sa pagpapatupad ng proyekto ang Municipal Engineering Office (MEO), Municipal Planning and Development Office (MPDO), DILG Pulilan, at Municipal Water Services Office (MWSO).

Ang SUBAYBAYANI Awards ay nagbibigay-pagkilala sa mga lokal na pamahalaan at proyektong nagpapakita ng mahusay na pagsubaybay at pamamahala sa mga imprastrakturang pinondohan ng pamahalaan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page