top of page

Renewable energy electrification project sa DRT, ininspeksyon ng DILG Bulacan

22h
1 min read

DOÑA REMEDIOS TRINIDAD, Bulacan — Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Bulacan sa proyektong Provision of Renewable Energy-Based Electrification sa Barangay Kabayunan, Doña Remedios Trinidad, bilang bahagi ng patuloy na pagsubaybay sa mga proyektong pang-imprastraktura sa lalawigan.

Pinondohan ang proyekto sa ilalim ng Fiscal Year 2024 Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP).

Layunin ng inisyatiba na mapalawak ang access ng mga residente sa suplay ng kuryente sa pamamagitan ng paggamit ng renewable energy, partikular sa mga komunidad na nangangailangan ng karagdagang serbisyong elektripikasyon.

Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapabuti ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga residente at sa pagsuporta sa mga gawaing pangkabuhayan at iba pang pangangailangan ng komunidad.

Bahagi ang isinagawang inspeksyon ng DILG Bulacan ng pagsubaybay sa pagpapatupad ng mga proyektong pinondohan ng pamahalaan upang matiyak ang maayos na paggamit ng pondo at pagsasakatuparan ng mga layunin ng programa.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page