top of page

Suarez nangibabaw sa 1st round knock out kay Avila


Ginimbal ni Charly Suarez ang buong mundo ng boxing, pagkatapos niyang patumbahin si Manuel Avila sa unang round pa lang ng bakbakan. Tinapos ni Suarez ang naging sagupaan nila ni Avila sa isang knockout game sa huling bahagi ng unang round.

‎Sa unang mga minuto pa lang ng bakbakan, matindi agad ang naging palitan ng mga suntok nina Suarez at Avila, bigay-kung-bigay ang dalawa para sa minimithing panalo.

‎Sa pagdako natin sa gitnang bahagi, lalong tumindi ang naging bakbakan ng dalawa. Gayunpaman, nangibabaw pa rin ang pusong Pinoy ni Suarez upang talunin ang boksingero ng Mexico.

‎Sa huling mga natitirang minuto, dito na lumabas ang kagustuhang manalo ni Suarez; gumamit ito ng isang mabilis na right jab upang tapusin na sa isang knockout ang game kay Avila. Natapos ang round na may natitirang 46 na segundo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page