top of page

Team Falcons PH, winalis ang Team Falcons MENA sa MSC 2026; 2–0


Nagpakitang-gilas ang Team Falcons PH laban sa Team Falcons MENA, (2–0) sa ginanap na MLBB Mid Season Cup (MSC) 2026 noong Hulyo 26, 2026, sa Boulevard Riyadh City, Saudi Arabia, matapos mangibabaw sa dalawang laro sa pamamagitan ng mahusay na team fights, objective control, at disiplinadong estratehiya.


Sa Game 1, maagang nangibabaw ang Team Falcons PH dahil sa mahusay na kontrol sa laban sa pamamagitan ng mahusay na pag-rotate, malinis na team fights, at pagkuha ng mahahalagang objectives. Dahil dito, unti-unti nilang pinalawak ang kanilang kalamangan hanggang maselyuhan ang unang panalo.


Pagsapit ng Game 2, sinubukan ng Team Falcons MENA na makipagsabayan, ngunit nanatiling kalmado at organisado ang Team Falcons PH. Dahil sa matatag na depensa, mahusay na objective control, at epektibong execution sa mga bakbakan, tuluyan nilang isinara ang serye sa iskor na (2–0).


Sa dominanteng panalo, umabante ang Team Falcons PH sa susunod na yugto ng Knockout Stage Quarterfinals at ipinakita na isa sila sa mga koponang dapat bantayan sa laban para sa kampeonato.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page