top of page

TLPH sinilat ng Entity 7, sa MSC 2026; 2-0


Photo Courtesy: MOONTON Games
Photo Courtesy: MOONTON Games

Bumagsak sa kamay ng Entity 7 ang pambato ng Pilipinas sa MLBB Mid-Season Cup o MSC 2026. Masaklap ang naging pagkatalo ng Team Liquid Ph (TLPH) sa Entity 7 dahil hindi man lang ito nakaisa sa kanilang naging laban. Naganap ito noong Sabado, Hulyo 26, 2026, sa Paris Expo Porte de Versailles, sa Paris, France. Tuluyang nalagasan ng isang pambato ang Pilipinas matapos matalo ng TLPH sa group stage at bumagsak sa kamay ng Entity 7.


Mula nang sinimulan ang laban, agad-agad na nagpakita ng maganda at matibay na depensa ang Entity 7 na naging dahilan upang lubos na mahirapan ang TLPH sa kanilang tunggalian. Hindi naging matagumpay ang mga itinakdang estratehiya ng koponan laban sa maayos na kanilang tuggalian.


Madaming pagkakataon ang TLPH na makapuntos sa kanilang katunggali, subalit agad itong napag-iwasan ng kanilang kalaban. Random ng mga manonood ang tensyon ng laban ng dalawang koponan, ngunit hindi pa rin sapat upang basagin ang walang patid na skor ng Entity 7.

Dahil sa mga pangyayari, tuluyang naubusan ng pag-asa ang TLPH na manalo laban sa kanilang kalaban. At ito na ang huling laban ng TLPH sa taong ito matapos madalo ang kanilang koponan sa torneo na ito.


Nakakapanabik na aabangan kung muli bang makakapasok ang TLPH sa MSC 2027, aabangan din kung makakakuha ito ng kampyonato matapos matalo ngayong taon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page