top of page

TOYCON Prelude, dinagsa ng libu-libong Fans sa Okada, Manila

Updated: Apr 15


Umarangkada na nitong ika-11 hanggang ika-12 ng Abril ang ToyCon Ph Prelude na ginanap sa Okada, Manila. Kalahok ang mga   collectors, fans, exhibitors, at artists. Ito ay upang ipagdiwang ang pop culture at collectibles. Nagbukas ng dalawang araw ang naturang event na mayroong exhibits, activities, at performances.


Kilala ang TOYCON bilang malaking toy at pop culture convention sa Pilipinas na dinadaluhan ng mga fans, collectors, artists, at exhibitors. Ginaganap ito taon-taon at kinatatampukan ng iba't ibang aspekto ng pop culture tulad ng toys at collectibles, comics at superheroes, cosplay, art at local creators, at guest appearances mula lokal hanggang internasyonal. Ito ay pagtitipon ng mga taong mahilig sa anime, toys, at iba’t ibang fandoms, kung saan maaaring bumili at magbenta ng collectibles, makakita ng rare items, makipag-meet sa kapwa fans, at sumali sa events tulad ng cosplay competitions. Karaniwan itong ginaganap sa malalaking venues tulad ng Okada Manila at SMX Convention Center Manila dahil sa pagdagsa ng libu-libong katao upang lahukan ang nasabing pagdiriwang.


Bagaman maraming tao tuwing ginaganap ang pagdiriwang na ito, nangingibabaw pa rin ang makukulay na palamuti, mga magara at rare na laruan, at mga taong nakasuot ng makukulay na damit; magaya lamang ang karakter na nais nilang kopyahin.

Kinilala ang mga sponsor sa naturang pagdiriwang. Ang TOYCON PH: The Philippine Toys, Hobbies and Collectibles Convention, kasama ang MAD Events, at Ban Kee Warhammer. Infinity Hobbies, High Market, CardPro Hobbies and Collectibles, Clark Santos, Bamvince Mtg, Merchant From The South, Whimsy, Vibes Philippines, Our Games Philippines, Magic: The Gathering, Hobby Factory, Lia Bear, at marami pang iba.


Samantalang nagtanghal sa entablado ang ilang mga tanyag na anime actors, ang ATM: PastelMix at Kamen Joshi.


Matagumpay na nagwakas ang TOYCON Prelude nitong Linggo ng hatinggabi. Habang kasalukuyang inaantabayanan ang susunod na event nito sa SMX Manila, Baguio Country Club, at SM Megamall.



Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page