top of page

Umamusume Cos-Meet, Nagaganap Ngayon sa ToyCon 2026

Puspusang nagaganap ngayon ang inaabangang Umamusume Cos-Meet sa huling araw ng

ToyCon 2026 sa SMX Convention Center. Nagsimula ang aktibidad nang ika-2 ng tanghali.


Nagtipon-tipon ang mga tagahanga na nakasuot ng makukulay at detalyadong kasuotan ng

kanilang paboritong tauhan mula sa sikat na laro at palabas na Umamusume: Pretty Derby.


Masayang nagpapalitan ng kuwento, nagpapa-picture, at nagpapakita ng kanilang husay sa pagbibihis.


Layunin ng pagtitipon na pag-isahin ang mga tagasuporta at bigyang-buhay ang diwa ng Tracen Academy. Isa ito sa pinakamasiglang bahagi ng araw na patunay ng lumalakas na komunidad ng mga tagahanga sa bansa.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page