top of page

Wanted sa kasong robbery, arestado ng Pulilan PNP


PULILAN, Bulacan — Arestado ng Tracker Team ng Pulilan Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaking wanted sa kasong robbery matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya.

Kinilala ng pulisya ang akusado sa alyas na “Ram,” na nahaharap sa kasong Robbery sa ilalim ng Article 293 ng Revised Penal Code.

Ang warrant of arrest ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 43 ng Gingoog City, Misamis Oriental kaugnay ng Criminal Case No. 2025-9994. Nagtakda ang korte ng ₱72,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Ayon sa Pulilan PNP, naging posible ang pagkakaaresto sa pamamagitan ng intelligence monitoring at patuloy na operasyon laban sa mga wanted person.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang akusado habang isinasagawa ang kinakailangang dokumentasyon bago ang kaukulang turnover sa korte.

Patuloy namang paiigtingin ng Pulilan PNP ang mga manhunt operation bilang bahagi ng kampanya laban sa kriminalidad at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page