top of page

1,676 job vacancies bubuksan sa Pulilan Job Fair

Sep 21
1 min read

PULILAN, Bulacan — Aabot sa 1,676 job vacancies mula sa iba't ibang industriya ang bubuksan para sa mga aplikante sa Pulilan Job Fair 2026 na gaganapin sa Setyembre 24 sa ground floor ng SM Center Pulilan.

Pangungunahan ng Public Employment Service Office (PESO) Pulilan, katuwang ang mga partner agencies at participating employers, ang aktibidad na naglalayong direktang pag-ugnayin ang mga naghahanap ng trabaho at mga kumpanyang nangangailangan ng empleyado.

Kabilang sa mga lalahok na employers ang Jollibee, Filbrakes Manufacturing Corp., Home Credit Philippines, Rombe Philippines Inc., SM Store Baliwag, SM Supermalls, SM Appliance Center, SM Hypermarket, TJN Pasalubong Foods Inc., Toyota Plaridel Bulacan at iba pang recruitment, manpower at service companies.

Makikibahagi rin sa job fair ang DICT Region 3, Pag-IBIG Fund Baliwag at DTI Pulilan bilang mga partner government agencies.

Maaaring magsagawa ng application at initial screening sa mismong venue. Pinapayuhan ang mga aplikante na dumating nang maaga at magdala ng ilang kopya ng updated résumé o CV, valid ID, ballpen at iba pang dokumentong maaaring kailanganin sa kanilang aplikasyon. Inirerekomenda rin ang pagsusuot ng maayos na kasuotan para sa application at posibleng interview.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page