top of page

1,684 job vacancies inalok sa Pulilan Job Fair 2026

Sep 24
1 min read

PULILAN, Bulacan — Umabot sa 1,684 job vacancies ang inalok sa mga job seeker sa Pulilan Job Fair 2026 na ginanap ngayong Setyembre 24 sa SM Center Pulilan.

Pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO) Pulilan ang aktibidad na nagsimula alas-10:00 ng umaga at nagpatuloy hanggang alas-3:00 ng hapon.

Nagbigay ang job fair ng pagkakataon sa mga aplikante na makapili at makapag-apply sa mga bakanteng posisyon batay sa kanilang kakayahan, karanasan at interes.

Bahagi ang aktibidad ng mga programang naglalayong mailapit sa mga residente ang mga oportunidad sa trabaho at makatulong sa paghahanap ng mapagkukunan ng kabuhayan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page