top of page

160 sako ng bigas, iba pang ayuda dinala ng OCD relief caravan sa Pulilan

Sep 4
1 min read


PULILAN, Bulacan — Nakatanggap ang Bayan ng Pulilan ng mga relief item mula sa “Hatid Tulong sa Sambayanan” Relief Caravan ng Office of Civil Defense (OCD), katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), para sa mga residenteng naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at Southwest Monsoon o Habagat.

Nakipagpulong sina OCD Operations Service Director Moises Nayve at OCD Central Luzon Officer-in-Charge Shelby Ruiz kay Pulilan Mayor Rolando Peralta Jr. para sa turnover ng mga ipinadalang tulong.

Kabilang sa mga itinurn-over sa lokal na pamahalaan ang 160 sako ng bigas, 450 bote ng inuming tubig at 112 hygiene kits.

Ang Pulilan ay kabilang sa limang munisipalidad sa Bulacan na nakatakdang puntahan ng relief caravan ngayong araw bilang bahagi ng pamamahagi ng tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng sunod-sunod na masamang panahon.

Isinasagawa ang relief caravan upang madagdagan ang mga pangunahing pangangailangan na maipamamahagi sa mga pamilyang patuloy na nakararanas ng epekto ng mga nagdaang bagyo at Habagat sa lalawigan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page