top of page

17-anyos na dalaga nasawi matapos makuryente sa baha sa Calumpit


CALUMPIT, Bulacan — Nasawi ang isang 17-anyos na dalaga matapos makuryente habang tumatawid sa baha sa Brgy. San Miguel, Calumpit, Bulacan.

Ayon sa mga awtoridad, pauwi na umano ang biktima nang siya ay madulas at aksidenteng makahawak sa basang kable ng kuryente na nakalutang sa baha.

Agad siyang isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, isinailalim sa State of Calamity ang Calumpit kasunod ng malawakang pagbaha sa bayan. Ayon sa ulat, apektado ng baha ang lahat ng 29 barangay, at sa ilang lugar ay umabot umano sa anim na talampakan ang lalim ng tubig.

Muling pinapaalalahanan ang publiko na maging lubhang maingat sa pagtawid sa mga binahang lugar at umiwas sa mga nakalaylay o nakalubog na kable at iba pang electrical equipment upang maiwasan ang electrocution.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page