top of page

18-anyos na babae, sugatan sa self-accident sa Pulilan


PULILAN, Bulacan — Sugatan ang isang 18-anyos na babae matapos maaksidente sa tapat ng 7-Eleven sa Dulong Malabon Bypass, Pulilan, Bulacan, bandang alas-7:42 ng gabi noong Agosto 25.

Batay sa paunang ulat, ang insidente ay naitala bilang self-accident. Ang biktima, na residente ng Brgy. Dulong Malabon, ay nagtamo ng mga galos sa mukha at sa itaas at ibabang bahagi ng katawan.

Agad na binigyan ng paunang lunas ang biktima sa lugar ng insidente at sinuri ang kanyang vital signs.

Matapos mabigyan ng agarang medical assistance, dinala ang biktima sa Bulacan Medical Center sa Malolos para sa karagdagang pagsusuri at paggamot.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page