top of page

2 lalaki arestado kaugnay ng serye ng pagnanakaw; junkshop sa Pulilan iniimbestigahan

Photo Courtesy: Mark Cholo Violago
Photo Courtesy: Mark Cholo Violago

 

PULILAN, Bulacan — Dalawang lalaki ang naaresto kaugnay umano ng serye ng pagnanakaw ng mga bakal, kable at iba pang mahahalagang kagamitan sa ilang lugar sa distrito.

Kinilala ang mga naaresto na sina Melvin Torres, 30, residente ng Barangay Balatong A, Pulilan, at Gerby “Dado” Yambao, 43, residente ng Barangay Tibagan.

Ayon sa paunang impormasyon, iniuugnay ang dalawa sa ilang insidente ng pagnanakaw ng mga metal, kable at iba pang kagamitan.

May tinukoy din umanong junkshop sa Pulilan na posibleng may kaugnayan sa mga ninakaw na materyales. Patuloy pang iniimbestigahan ang papel ng naturang establisimyento at iba pang posibleng sangkot sa mga insidente.

Wala pang inilalabas na karagdagang detalye hinggil sa eksaktong lugar at oras ng pagkakaaresto, mga nakuhang ebidensya, at mga kasong maaaring isampa laban sa mga suspek.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page