top of page

2 menor de edad, pinagsasaksak ng sariling tiyuhin


Pinagsasaksak ng tiyuhin ang dalawang menor de edad na kaniyang mga pamangkin matapos mag-amok sa Manjuyod, Negros Oriental.


Lumabas sa imbestigasyon noong Martes na nanananghalian noon ang nasawing biktima, nakatatandang kapatid niya, at apat pang bata sa bahay ng kanilang lolo nang mag-amok ang suspek.


Ayon sa imbestigasyon, ang dalawang menor de edad ay 11-anyos at 16-anyos. Ang kaniyang 11-anyos na pamangkin ay nasawi matapos niya itong saksakin, habang ang 16-anyos naman na kaniyang pamangkin ay nasaksak sa tiyan at sugatan lamang.


Kinitil ng suspek ang kaniyang sariling buhay matapos niyang umuwi sa kaniyang tahanan.


Sinabi ng pulisya na posibleng nagalit ang suspek dahil ayaw umanong ibigay ng mga biktima ang contact number ng nakipaghiwalay na asawa nito.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page