top of page

2 Patay, 2 Sugatan sa Pamamaril sa Ateneo de Zamboanga; 14 Anyos na Suspek, Patay Rin

Aug 19
1 min read

Grade 8 top student na 14-anyos, kinilalang suspek sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga. Ikinasawi ito ng dalawang estudyante habang sugatan ang dalawa pa. Batay sa PNP at DILG, gamit ang 9 mm pistol, nagpakamatay ang suspek matapos ang insidente. Ang pistol ay pag-aari ng kanyang ama na isang Bureau of Customs officer.

Ayon sa imbestigasyon, matapos ihatid ang suspek ng kanyang ama ay nakapagpasok ito ng dalawang baril sa paaralan at nagtungo sa isang basement area na walang karagdagang security check. Narekober ng mga pulis ang dalang cellphone na ginamit pang-livestream at dalawang baril nito. Itinanggi ng PNP na rifle ang ginamit at sinabing maaaring napagkamalan ang 9mm pistol na may Ronin conversion kit bilang long firearm.

Batay sa DILG, walang bullying na naitala laban sa estudyante. Sinusuri pa kung ano ang maaaring nagtulak sa kanya na gawin ang pamamaril. Patuloy na iniimbestigahan ang mga posibleng impluwensiya sa suspek at motibo niya para gawin ang insidente.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page