top of page

28-anyos arestado sa buy-bust sa Pulilan; ₱50K halaga ng hinihinalang droga nasamsam

Sep 11
1 min read

PULILAN, Bulacan — Arestado ang isang 28-anyos na lalaki sa buy-bust operation na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pulilan Municipal Police Station noong gabi ng Setyembre 9 sa isang barangay sa Pulilan.

Ayon sa Pulilan PNP, nakumpiska mula sa suspek na kinilala sa alyas na “Jojo” ang humigit-kumulang ₱50,000 halaga ng hinihinalang ilegal na droga.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kaugnay ng pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga.

Isinailalim naman sa kaukulang laboratory examination ang mga nakumpiskang substance upang matukoy ang komposisyon nito, habang inihahanda ng mga awtoridad ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaso.

Pinaalalahanan ng Pulilan PNP ang publiko na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad sa kampanya laban sa ilegal na droga sa komunidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page