top of page

28 wanted persons, arestado sa magkakasunod na operasyon ng Bulacan PNP


BULACAN — Umabot sa 28 wanted persons ang naaresto ng mga operatiba ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa serye ng warrant operations na isinagawa sa iba't ibang bahagi ng lalawigan noong Agosto 25.

Ayon sa Bulacan PPO, 27 sa mga wanted person ang naaresto at isinailalim sa kaukulang proseso, habang isa naman ang kasalukuyang nakapiit matapos maisilbi ang warrant of arrest.

Isinagawa ang mga operasyon ng iba't ibang City at Municipal Police Stations sa Bulacan. Pinakamaraming naaresto ang Balagtas MPS na may apat, sinundan ng 2nd PMFC na may tatlo. Tig-dalawa naman ang naaresto ng Santa Maria, Bocaue, Marilao, Pandi, at Bustos police stations.

Tig-isang wanted person naman ang naaresto ng mga himpilan ng Malolos City, San Jose del Monte, Baliwag, Meycauayan, Bulakan, San Miguel, Pulilan, Calumpit, Obando, at Angat, gayundin ng 1st PMFC.

Ang mga naaresto ay nahaharap sa iba't ibang kaso at isinailalim sa kinakailangang dokumentasyon at legal na proseso bago iharap sa mga kinauukulang korte.

Ayon kay PCOL Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, patuloy na paiigtingin ng kapulisan ang pagpapatupad ng mga warrant of arrest at operasyon laban sa mga wanted person bilang bahagi ng kampanya para sa seguridad at kapayapaan sa buong Bulacan.

Hinihikayat din ng Bulacan PPO ang publiko na makipagtulungan at agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga wanted person.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page