top of page

3 kalsada sa Barangay Lumbac binigyan ng bagong pangalan

Sep 23
1 min read

PULILAN, Bulacan — Matagumpay na nailagay ang mga bagong street signages sa Barangay Lumbac kasunod ng pagpapatibay ng resolusyong nagtatakda ng opisyal na pangalan sa ilang kalsadang dati ay walang pormal na pagkakakilanlan.

Nakabatay ang proyekto sa Kapasiyahan Blg. 152, Serye 2026, na napagkasunduan sa regular na sesyon ng Sangguniang Barangay noong Pebrero 23. Inihain ang panukala ni Kagawad Marilou P. Caleon, Committee on Peace and Order, at pinangalawahan ni Kagawad Nenita G. Torres.

Tatlong kalsada ang binigyan ng opisyal na pangalan: Honorato-Aguirre Street, dating NIA Road mula Pulo Zigzag patungong Bigben-Tabon; Segundo-Calderon Street, sa Bisita ng Pulo malapit sa Bisita ng Sto. Niño de Pulong Tambilog; at Alberto-Andan Street, na dating tinatawag na Adobo o Calderon Street.

Layunin ng pagkakaroon ng opisyal na street names at signages na gawing mas madaling matukoy ang mga lokasyon sa barangay at makatulong sa mas mabilis na paghahatid ng serbisyo at pagtugon sa mga emergency.

Isinakatuparan ang paglalagay ng mga signage sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay, sa pangunguna ni Punong Barangay Leonila R. Flores, at ng Sangguniang Kabataan sa pamumuno ni SK Chairperson Neil Anthony N. Paguia.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page