top of page

3 sama ng panahon binabantayan sa labas ng PAR


PILIPINAS — Tatlong tropical cyclone ang patuloy na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), batay sa monitoring update alas-2:00 ng madaling araw ngayong Agosto 24.

Kabilang dito ang Tropical Depression Gaenari, na dating Tropical Depression Neneng, na nananatili sa labas ng PAR.

Patuloy ding mino-monitor ang isa pang Tropical Depression, na dating LPA 08h, habang nananatili rin ito sa labas ng PAR.

Samantala, binabantayan din ang Typhoon Saudel, na kasalukuyan ding nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at update mula sa DOST-PAGASA para sa anumang pagbabago sa lakas at galaw ng mga naturang sama ng panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page